P3-M halaga ng ketamine nakumpiska sa Taiwan citizen

By Jan Escosio May 17, 2022 - 12:29 PM

(PDEA photo)

Arestado ang isang Taiwanese national ng mga ahente ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) sa isinagawang anti-drug operation sa Makati City.

Ayon kay PDEA Central Luzon Dir. Brian Babang nakumpiskahan nila ng 600 gramo ng ketamine si Chang Bin Yen, 33, tubong Tainan, Taiwan.

Aniya ikinasa nila ang controlled delivery operation kaninang hatinggabi sa Salamanca St., sa Barangay Poblacion.

Nabatid na ang mga droga ay isinilid sa anim na stainless steel water purifier at isinilid sa kahon na may marking FedEx.

Sasampahan ng kasong paglabag sa Comprehensive Dangerous Drugs Act of 2002 si Yen dahil sa nakumpiskang may P3 milyong halaga ng droga.

TAGS: Brian Babang, Chang Bin Yen, news, PDEA, Radyo Inquirer, Taiwanese, Brian Babang, Chang Bin Yen, news, PDEA, Radyo Inquirer, Taiwanese

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.