Pilipinas, mayroon nang 113 medalya sa 31st SEA Games

POC photo

Patuloy ang paglaban ng mga atletang Pilipino sa ika-31 Southeast Asian (SEA) Games sa Hanoi, Vietnam.

Ayon sa Philippine Olympic Committee hanggang 12:00, Martes ng tanghali (Mayo 17), umabot na sa 113 ang kabuuang bilang ng nasungkit na medalya ng Pilipinas.

Sa nasabing bilang, 30 ang gold, 35 ang silver, habang 48 ang bronze.

Sa araw ng Martes, nakakuha si Jericho Rivera ng bronze medal sa Men’s Mountain Bike Cross-Country Olympic event.

POC photo
Read more...