‘Revolving Door’ policy sa AFP tinuldukan ng batas ni Sen. Ping Lacson
Naniniwala si Senator Panfilo Lacson na magwawakas na ang tinatawag na ‘revolving door’ policy’ sa AFP sa pagiging batas ng Republic Act 11709.
Magugunita na isinulong ni Lacson ang Senate Bill 2376 noong siya pa ang namumuno sa Senate Committee on National Defense and Security.
Layon ng panukala na magtakda ng ‘fixed terms’ sa posisyon na AFP Chief of Staff.
“Finally, we will see an end to the revolving door policy in the AFP. The leaders of our AFP will have the opportunity to implement their legacy programs instead of staying in office to briefly,” ani Lacson.
Dagdag pa ng senador titiyakin niya na magiging ‘merit based’ ang promosyon sa AFP para matiyak na tunay na kuwalipikado at epektibo ang mamumunon sa hukbong-sandatahan ng bansa.
Nakasaad sa bagong batas na ang termino ng AFP chief of staff, vice chief of staff, deputy chief of staff at ang commanding general ng Philippine Army, Philippine Navy at Philippine Air Force ay magkakaroon ng tatlong taon na ‘fixed term’ maliban na lamang kung putulin ng pangulo ng bansa.
Maari rin palawigin ng pangulo ng bansa ang termino ng AFP chief of staff sa panahon ng giyera o may national emergency.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.