AFP tikom ang bibig sa paglabas ng panibagong video ng mga bihag ng Abu Sayaff

By Ruel Perez May 24, 2016 - 05:38 PM

SAMAL-KidnappingTikom ang bibig ng pamunuan ng Armed Forces of the Philippines sa paglutang ng panibagong video ng mga nalalabing bihag ng Abu Sayaff Group na dinukot sa Samal Island

Ayon kay AFP Spokesman B/Gen Restituto Padilla, sa ngayon ay wala pa silang opisyal na pahayag hinggil sa paglabas ng nasabing video kung saan ipinapakita ang paghingi ng tulong ng tatlong biktima kay incoming Pres Rodrigo Duterte para sa kanilang kalayaan.

Nananatiling hawak ng mga bandido ang dalawang dayuhan na sina Canadian National Robert Hall, Norwegian na si Kjartan Sekkingstad at ang Pinay na si Maritess Flor.

Ayon naman kay Major Felimon Tan, tuloy tuloy pa rin ang operasyon ng kanilang hanay laban sa mga bandidong grupo para mailigtas ang mga nalalabing bihag.

Masaya na din umano sila sa paglutang ng naturang video dahil nagpapatunay ito na buhay pa ang mga nalalabing biktima. / Ruel Perez

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.