“Tag-ulan na po.” -PAGASA

By Erwin Aguilon May 24, 2016 - 03:53 PM

rain
File photo

Idineklara na ng PAGASA ang pagpasok ng panahon ng tag-ulan sa bansa.

Sa press conference ng PAGASA sinabi ni Dr. Esperanza Cayanan, head ng PAGASA Weather Division, dahil sa ilang araw ng pag-ulan nagpasya ang weather bureau na ideklara ang panahon ng tag-ulan.

Sinabi ng PAGASA na inaasahan nila ang pagpasok ng bagyo sa bansa bago matapos ang buwan ng Mayo at isa pa sa buwan ng Hunyo.

Dahil dito, makararanas ang bansa ng maulap na papawirin at kalat-kalat na pag-ulan tuwing hapon.

Gayunman, nilinaw ng weather bureau na patuloy pa rin namang mararanasan ang epekpo ng El Niño Phenomenon hanggang sa huling bahagi ng Hulyo.

Inaasahan namang papasok ang panahon ng La Niña sa ikalawang bahagi ng 2016. / Erwin Aguilon

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.