7 lugar sa NCR, walang naitalang bagong kaso ng COVID-19

By Chona Yu May 17, 2022 - 09:00 AM

Pitong local government units sa National Capital region ang walang naitatalang bagong kaso ng COVID-19.

Ayon kay Octa Research fellow Guido David, ito ay ang Malabon, Mandaluyong, Marikina, Navotas, San Juan, Valenzuela at Pateros.

Walang bagong kaso ng COVID-19 ang pitong lungsod kahit nagkaroon ng malakihang mga pagtitipon dahil sa nakalipas na eleksyon.

Base sa pinakahuling talaan ng Department of Health, 160 na bagong kaso ng COVID-19 ang naitala kahapon, Mayo 16.

Tatlo naman ang nadagdag sa bilang ng mga nasawi habang 377 ang nakarekober.

 

TAGS: COVID-19, Malabon, Mandaluyong, Marikina, navotas, news, Pateros, Radyo Inquirer, san Juan, valenzuela, zero case, COVID-19, Malabon, Mandaluyong, Marikina, navotas, news, Pateros, Radyo Inquirer, san Juan, valenzuela, zero case

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.