(DENR photo)
Tiniyak ng Department of Environment and Natural Resources (DENR) na pabibilisin at magiging episyente ang proseso ng aplikasyon para sa prayoridad na mining projects, partikular na sa dalawang lugar sa Mindanao.
Ayon kay DENR Acting Secretary Jim Sampulna, kailangan ang mabilis na pag-apruba sa mining process sa Northern Mindanat at Zamboanga Peninsula para sa patuloy na pagrekober ng ekonomiya mula sa pandemya sa COVID-19.
“In our country’s quest for economic recovery from the long recession caused by the COVID-19 pandemic, the mining industry may well play a significant role. Our country has around 9 million hectares of land with high mineral potential, out of its total land area of 30 million hectares,” saad ni Sampulna sa kanyang talumpati na binasa ni Undersecretary for Legal, Administration, Human Resources and Legislative Affairs Ernesto Adobo Jr.
Kabilang sa mga agenda na tinalakay ay ang pagpapabilis sa pag-isyu ng environmental compliance certificates sa pamamagitan ng simpleng geological study ng EMB at ang pagbuo ng one-stop shop para maging maayos ang mining application ng MGB.