“Oplan Tukhang” gagamitin ng bagong PNP Chief

By Ruel Perez May 24, 2016 - 03:03 PM
Dela Rosa
Inquirer file photo

Ipapatupad ni incoming PNP Chief, Police Chief Superintendent Ronald Dela Rosa ang Oplan Tukhang na epektibong ginamit sa Davao noong siya pa ang Chief of Police ng lungsod.

Ayon kay de la Rosa, sa ilalim ng ‘Oplan Tukhang’, kinakatok ng mga pulis ang bahay ng mga pinaghihinalaang mga drug personalities at pinakikiusapan ang mga ito na huminto na sa kanilang mga drug activities.

Sa ilalim nito, kung ayaw huminto ng mga pinakiusapan ay maari ang mga itong umalis na lamang sa lugar at sa ibang area ipagpatuloy ang kanilang operasyon.

Hindi naman malinaw kung ano ang gagawin sakaling hindi huminto o umalis sa lugar ang drug personality pero kilala ang Davao sa tinatawag na DDS o Davao Death Squad na pumapatay sa mga sangkot sa droga na sinasabing may kinalaman kay incoming President Rodrigo Duterte.

Samantala, sinabi ni de la Rosa na ipagpapatuloy niya ang Oplan Lambat Sibat na ipinatutupad ngayon dahil sa pagiging epektibo nito pero magpapatupad ng kaunting pagbabago. / Ruel Perez

TAGS: Oplan Tukhang, Oplan Tukhang

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.