Overall progress rate ng MRT-7 project, nasa 63 porsyento na

By Angellic Jordan May 16, 2022 - 02:14 PM

Screengrab from DOTr’s Facebook video

Wala pa ring patid ang konstruksyon ng Metro Rail Transit Line 7 (MRT-7).

Ayon sa Department of Transportation (DOTr), nasa 63.35 porsyento ang overall progress rate ng nasabing proyekto.

Sinabi ng kagawaran na tuluy-tuloy ang pag-arangkada ng pagsasagawa nito upang mapakinabangan ng mga commuter sa lalong madaling panahon.

Oras na matapos at maging operational ang MRT-7, ang dating dalawa hanggang tatlong oras na biyahe mula sa North Avenue, Quezon City patungong San Jose del Monte sa Bulacan, ay magiging 35 minuto na lamang.

Inaasahan ding 300,000 hanggang 500,000 pasahero ang maseserbisyuhan nito kada araw.

TAGS: Build Build Build program, DOTrPH, InquirerNews, MRT7, RadyoInquirerNews, RailwaysSectorWorks, Build Build Build program, DOTrPH, InquirerNews, MRT7, RadyoInquirerNews, RailwaysSectorWorks

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.