Higit P3 rollback sa diesel, epektibo simula sa Mayo 17

By Angellic Jordan May 16, 2022 - 11:12 AM

Radyo Inquirer On-Line photo

Abiso sa mga motorista.

Magpapatupad ng bigtime rollback sa presyo ng mga produktong petrolyo.

Batay sa anunsiyo ng Cleanfuel, Petro Gazz, Shell, at Seaoil, may kaltas na P3.10 sa kada litro ng diesel habang P0.40 naman ang tapyas sa kada litro ng gasolina.

Mababawasan din ng P2.10 ang bawat litro ng kerosene ng Seaoil at Shell.

Magiging epektibo ang oil price adjustment ng Petro Gazz, Shell, at Seaoil bandang 6:00, Martes ng umaga (Mayo 17).

Samantala, dakong 8:01, Martes ng umaga magsisimulang mabago ang presyo ng mga produktong petrolyo ng Cleanfuel.

Asahang mag-aanunsiyo na rin ang iba pang oil companies ng kanilang oil price adjustment.

TAGS: BUsiness, diesel price, gasoline price, InquirerNews, kerosene price, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews, BUsiness, diesel price, gasoline price, InquirerNews, kerosene price, OilPriceRollback, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.