Dagdag COCs tinanggap ng Senado

By Jan Escosio May 16, 2022 - 10:57 AM

SENATE PRIB PHOTO

Hanggang kaninang pasado alas-7 ng umaga, 128 certificates of canvass (COCs), gayundin ng Election Returns (ERs) ang natanggap ng Senado.

Ito ay 73.99 porsiyento ng kabuuang 173 COCs na inaasahang dadalhin sa Mataas na Kapulungan ng Kongreso.

Gagamitin ang COCs sa gagawing canvassing ng mga boto para sa pagka-pangulo at pagka-pangalawang pangulo ng Kongreso sa pamamagitan ng joint session na bubuksan sa Mayo 24.

Ang mga bagong dating na COCs ay mula sa Quezon Province, Isabela, Mt. Province, Lapu-Lapu City, Davao del Norte, General Santos City, Sultan  Kudarat at North Cotabato.

Gayundin, tinanggap din sa Senado ang Overseas Absentee Voting (OAV) COC’s mula sa India, Lebanon at Italy.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

No tags found for this post.
Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.