Romualdez suportado ng mga kongresista na maging Speaker

By Chona Yu May 14, 2022 - 06:31 PM

(Lakas-CMD)

Hindi pa man nagsisimula ang 19th Congress, umaani na ang suporta si House Majority Leader Martin romualdez para maging speaker.

Ito ay matapos magpulong ang mga kongresista sa Rockwell, Makati City.

Kabilang sa mga naghayag na ng suporta kay Romualdez ang National Unity Party pati na ang mga party-list group.

Kasama sa pagpupulong ang anak ni incoming President Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. na si incoming Ilocos Norte 1st District Representative Sandro Marcos.

Kasama rin sa pulong sina Jose Gay Padiernos ng GP Party-list, Bong Teves ng TGP Party-list, Zaldy Co ng Ako Bicol Partylist at Jojo Ang ng Uswag Ilonggo Partylist.

 

 

TAGS: Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer, Sandro Marcos, speaker, Martin Romualdez, news, Radyo Inquirer, Sandro Marcos, speaker

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.