Alex Lopez nagpasalamat sa mga botante sa Manila

By Chona Yu May 14, 2022 - 06:22 PM
Photo credit: Atty. Alex Lopez/Facebook

Nagpapasalamat si Manila mayoralty candidate Alex Lopez sa mga botante na sumuporta sa kanyang kandidatura.

Ayon kay Lopez, kahit na talo siya sa nakalipas na eleksyon, magandang panginatin pa rin na marami ang nagtitiwala sa kanya.

Nagpapasalamat si Lopez sa suporta nina incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr. at incoming vice president Sara Duterte.

Nag-motorcade si Lopez sa lungsod ng Manila para personal na pasalamatan ang kanyang mga taga-suporta.

Pakiusap ni Lopez sa mga nanalong kandidato, ingatan ang kaban ng bayan at huwag sanang waldasin.

Ayon kay Lopez, ipagpatuloy sana ng mga bagong opisyal ang pagbabago sa lungsod.

Pero ikinadidismaya ni Lopez ang pagbebenta sa Divisoria Public Market.

Ayon kay Lopez, hindi na sana ibinenta ang lupa para napakinabangan ng mga vendor.

Nahalal bilang mayor ng Manila si Vice Mayor Honey Lacuna habang nahalal naman na vice mayor si Congressman Yul Servo.

 

 

TAGS: Alex Lopez, bongbong marcos, Motorcade, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte, Alex Lopez, bongbong marcos, Motorcade, news, Radyo Inquirer, Sara Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.