Magandang balita para sa mga manggagawa sa sa National Capital Region at Western Visayas.
Ito ay dahil sa inaprubahan na ng Department of Labor and Employment ang umento sa sahod para sa mga minimum wage earners.
Ayon sa abiso ng DOLE, P33 ang dagdag na sahod sa mga minimum wage earners para sa mga non-agriculture sector.
Dahil dito, magiging P570 na ang arawang sahod sa mga non-agriculture sector habang nasa P533 naman ang mga manggagawa na nasa aagriculture sector.
Tinatayang nasa isang milyong manggagawa ang makikinabang sa umento sa sahod.
Huling nakatanggap ng umento sa sahod ang mga manggagawa sa NCR ay noong 2018.
MOST READ
LATEST STORIES