Mid-year bonus ng mga empleyado sa Manila City Hall, ipamimigay na

By Chona Yu May 14, 2022 - 11:37 AM
Photo credit: Mayor Isko Moreno Domagoso/Facebook

Magandang balita para sa mga regular na empleyado ng Manila City Hall.

Ito ay dahil sa nilagdaan na ni Manila Mayor Isko Moreno ang pagbibigay ng mid-year bonus para sa mga regular city government employees.

Ayon kay Moreno, matatanggap ang mid-year bonus simula sa Mayo 16.

Pangako ni Moreno,hindi mawawalan at mapagkakakitaan ang mga emoleyado.

“Masaya po akong ipaalam sa inyo na inaprubahan ko na po ang pag-release ng mid-year bonus para sa lahat ng regular city government employees. Starting May 16, matatanggap na po ninyo ang inyong mga mid-year bonus,” pahayag ni Moreno.

“What is due to you, will be given to you. Hindi kayo mawawalan at mapagkakaitan. Habang tayo’y nagbubuti sa ating kapitbahay, kailangan maging mabuti rin tayo sa loob ng ating bahay,” dagdag ni Moreno.

TAGS: Isko Moreno, Mid-Year Bonus, news, Radyo Inquirer, Isko Moreno, Mid-Year Bonus, news, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.