Smartmatic at Comelec inireklamo ng kampo ni Sen. Marcos ng paglabag sa Cybercrime Law

By Erwin Aguilon May 24, 2016 - 12:59 PM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Inireklamo ngayon ng kampo ni Senator Ferdinand “Bongbong” Marcos sa Manila City Prosecutors’ Office ang apat na opisyal ng Smartmatic at tatlong taga Commission on Elections (Comelec) kaugnay sa pagpapalit ng hash code.

Base sa 15 pahinang complaint affidavit ng campaign manager ni Sen. Marcos at Abakada Guro Partylist Rep. Jonathan Dela Cruz, nilabag ng mga respondent ang ilang probisyon ng Cybercrime Law.

Sinabi ni Dela Cruz na ang ginawang pagpapalit ng hash code ni Marlon Garcia nang walang pahintulot sa Comelec en banc ay itinuturing na paglabag sa Cybercrime Law.

Ayon kay Dela Cruz, nakasaad sa Cybercrime Law na hindi maaring makialam ang isang indibidwal ng information system ng walang pahintulot sa kinauukulan.

Maituturing ayon naman kay Atty. Jose Amorado, abogado ni Dela Cruz na illegal access ang ginawa ng mga taga Smartmatic at IT personel ng Comelec dahil sa hindi ito alam ng enbanc ng komisyon.

Bukod kay Garcia, kabilang din sa mga inireklamo ang mga taga Smartmatic na sina Ellie Moreno, Niel Banigued at Mauricio Herrera at mga Comelec IT na sina Rouie Penalba, Nelson Herrera at Frances Mae Gonzales.

Nauna nang inireklamo ni Dela Cruz ang mga nasabing Smartmatic officials sa Comelec noong isang linggo dahil sa paglabag sa Automated Election System./ Erwin Aguilon

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.