Speakership ni Romualdez, suportado ni Arroyo

 

Suportado ni dating Pangulong Gloria Macapagal Arroyo si Majority Leader Martin Romualdes na maging Speaker ng 19th Congress.

Sa pahayag ni Arroyo, sinabi nitong kilala niya si Romualdez dahil matagal nang nakatrabaho.

Tiyak aniya na ang kapakanan ng taong bayan ang isusulong ni Romualdez.

Taong 2010 nang magkasama sa Kongreso sina Arroyo at Romualdez.

Si Arroyo ang tumatayong chairman-emeritus ng Lakas-CMD.

Si Romualdez ang presidente ng Lakas-CMD at pinsan ni incoming president Ferdinand “Bongbong” Marcos Jr.

 

Read more...