Positibo sa toxic red tide ang anim na baybaying dagat sa bansa.
Ayon sa Bureau of Fisheries and Aquatic Resources, ito ay ang coastal waters ng Bolinao sa Pangasinan; Milagros sa Masbate; Dauis at Tagbilaran City sa Bohol; Dumanquillas Bay sa Zamboanga del Sur; Litalit Bay, San Benito sa Surigao del Norte; at Lianga Bay sa Surigao del Sur
Ipinagbabawal ng BFAR ang pagkain sa lahat ng klase ng shellfish at Acetes sp. o alamang sa mga nabanggit na lugar.
Maari namang kainin ang isa, pusit, hipon, at alimango basta’t kailangang hugasan lamang, tanggalin ang hasang at kaliskis at lutuing mabuti.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.