Riot sa Quezon City Jail dapat imbestigahan ng PNP, BJMP ayon kay Belmonte

By Chona Yu May 14, 2022 - 09:45 AM

Screengrab from contributed video

Inatasan ni Quezon City Mayor Joy Belmonte ang Quezon City Police District at Bureau of Jail Management and Penology na imbestigahan ang nangyaring riot sa loob ng kulungan.

Ayon sa ulat ng Quezon City Jail Male Dormitory, isa ang patay habang siyam na bilanggo ang nasugatan.

“Iniutos na natin ang malalimang imbestigasyon sa nangyaring riot sa Quezon City Jail para malaman ang puno’t dulo nito,” pahayag ni Belmonte.

Mahalaga ayon kay Belmonte na malaman ang ugat ng riot.

“Kailangang maparusahan ang mga nagpabaya sa kanilang tungkulin kung mayroon man, upang hindi na  maulit pa ang ganitong klaseng insidente sa ating mga pasilidad,” pahayag ni Belmonte.

Sinabi pa ni Belmonte na kailangan na tiyakin ng BJMP na hindi na mauulit ang naturang insidente.

Nagkarambola ang mga bilanggo na miyembro ng Batang City Jail, Commando at Bahala na Gang.

 

 

TAGS: Bahala Na Gang, Batang City Jail, commando, Mayor Joy Belmonte, Quezon City Jail, Radyo Inquirer, riot, Bahala Na Gang, Batang City Jail, commando, Mayor Joy Belmonte, Quezon City Jail, Radyo Inquirer, riot

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.