Ronnie Dayan, kumambiyo na rin sa drug case ni Sen. Leila de Lima

By Jan Escosio May 13, 2022 - 05:32 PM
Photo credit: Office of Sen. Leila de Lima

Nagbigay na ng kanyang testimoniya si Ronnie Dayan sa drug case na kinahaharap ni Senator Leila de Lima sa isang korte sa Muntinlupa City.

Nagsilbi na driver – bodyguard ni de Lima si Dayan.

Ayon kay Atty. Rolly Francis Peoro, abogado ni de Lima, sinabi ni Dayan na pinuwersa siya na idiin si de Lima nang humarap siya sa pagdinig sa Kamara.

Ayon kay Peoro, itinuro ang yumaong Rep. Rey Umali ang diumano’y nanakot kay Dayan.

Dagdag pa nito, itinanggi rin ni Dayan na may tinanggap siyang pera para kay de Lima.

Aniya, sa testimoniya ni Dayan, muling napatunayan ang mga pagbubunyag nina Kerwin Espinosa at dating National Bureau of Investigation (NBI) Dep. Dir. Rafael Ragos na tinakot at pinuwersa lamang sila para idiin ang senadora sa drug trade sa Bilibid.

TAGS: DeLimaDrugCase, InquirerNews, KerwinEspinosa, RadyoInquirerNews, RafaelRagos, RonnieDayan. LeiladeLima, DeLimaDrugCase, InquirerNews, KerwinEspinosa, RadyoInquirerNews, RafaelRagos, RonnieDayan. LeiladeLima

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.