Ex-Gov. Antonio Leviste kinasuhan sa Sandiganbayan

FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA
FILE PHOTO / NIÑO JESUS ORBETA

Sinampahan ng kasong malversation sa Sandiganbayan si dating Batangas Governor Jose Antonio Leviste.

Base sa tatlong pahinang impormasyon ng asunto, kasama sa kinasuhan si Philip John Moreno, accountant at division chief ng financial planning and control division ng Philippine Retirement Authority.

Sinabi ni Ombudsman graft investigator Maricel Oquendo inayos ni Moreno ang P151,385 cash advances ni Leviste sa mga foreign travels nito sa kabila ng kabiguan ng dating gobernador na mai-liquidate ang pinagkagastusan niya ng naturang halaga.

Nabatid na umabot sa P869,180 ang cash advances at ito ay mula may hanggang December 23 kung kailan nagsisilbi pang chairman of the board of trustees ng naturang ahensiya si Leviste.

Nadiskubre din na hindi pinansin ni Leviste ang mga kahilingan sa kanya ng Commission on Audit (COA) na i-refund ang bahagi ng kanyang travel allowances na walang proper liquidation./Jan Escosio

 

Read more...