Pasado 2:00, Biyernes ng hapon (Mayo 13), sumiklab ang riot sa pagitan ng mga detenido sa Quezon City Jail.
Nagsimula ang riot sa Male Dormitory ng nasabing kulungan.
Maraming detenido ang nagtapon ng iba’t ibang bagay sa basketball court na nasa gitna ng pasilidad.
WATCH: Makikita ang mga kalat na ibinato ng mga bilanggo sa quadrangle o basketball court sa Quezon City Jail | @escosio_jan
Contributed video pic.twitter.com/qXxOgorjIm
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 13, 2022
Base sa mga paunang ulat, may ilang detenido ang sugatan dahil diumano sa pananaksak at pambubugbog.
May ilang sugatan ang dinala sa Infirmary Section ng QC Jail para mabigyan ng paunang lunas.
Nakarinig ng putok ng baril na sinasabing ‘warning shot’ para mapayapa ang mga nagkakagulong detenido.
WATCH: Nakarinig ng putok ng baril na sinasabing ‘warning shot’ para mapayapa ang mga nagkagulong detenido | @escosio_jan
Contributed video pic.twitter.com/Blr7LQaVMz
— RadyoInquirerOn-Line (@radyoinqonline) May 13, 2022
Nang mapasok ng mga tauhan ng BJMP ang quadrangle, pinilit nila na agad maipasok sa kani-kanilang selda ang mga detenido.
Rumesponde na rin ang Quezon City Police District SWAT Team para tumulong na mapayapa ang sitwasyon.
Sa ngayon, wala pang pahayag si QC Jail Male Dormitory Warden, Jail Supt. Michelle Bonto, ukol sa nangyaring riot.