Lalaking nag-aabang lang ng masasakyan sa QC, patay nang masagasaan ng bus

By Ricky Brozas May 24, 2016 - 12:40 PM

Regalado AvePatay ang isang bystander makaraang maipit sa pagitan ng pampasaherong bus at taxi sa Regalado Avenue sa Quezon City.

Dead-on-the-spot ang biktimang si Armando Saplan na noon ay nag-aabang lamang ng kaniyang masasakyan pauwi ng bahay.

Sa salaysay ng mga saksi, nag-counterflow umano ang CEM Trans Service Inc. na may plate number na PYR 878 na papasok na sana sa garahe.

Dahil sa pag-counterflow, nabangga ng bus Taxi na may plate number UWE 659,

Sa panayam ng Radyo Inquirer kay LTFRB board member Atty. Ariel Inton, sinabi nito na kumikilos na sila para ipatawag ang may-ari ng CEM transport bus na nag counterflow.

Ayon kay Inton, base sa kanilang rekord, ang Centrans Services Incorporated ang operator ng CEM transport.

Patuloy nang iniimbestigahan ng Quezon City traffic sector ang insidente./ Ricky Brozas

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.