Pilipinas, magdo-donate ng 3-M doses ng COVID-19 vaccine sa ibang bansa

Screengrab from PCOO’s Facebook video

Magdo-donate ang Pilipinas ng tatlong milyong COVID-19 vaccines sa ibang bansa.

Sa Laging Handa Public Briefing, sinabi ni National Task Force (NTF) Against COVID-19 special adviser Ted Herbosa na ang mga bakunang Sputnik V na gawa ng Russia ang ipamimigay sa mga bansang kasapi sa Association of Southeast Asian Nations.

Ayon kay Herbosa, maaring i-donate ang mga bakuna sa Laos, Camboadia, at Myanmar.

Balak din aniya ng gobyerno na mag-donate ng mga bakuna sa African countries.

Una nang sinabi ng Department of Health (DOH) na magdo-donate ang Pilipinas ng mga bakuna sa Myanmar at Papua New Guinea.

Read more...