Panelo kukuning legislative consultant ni Padilla

By Chona Yu May 13, 2022 - 01:01 PM

Kukuning legislative consultant, adviser at mentor ni presumptive Senator Robin Padilla si dating Presidential Spokesman Salvador Panelo.

Sa Facebook post ni Padilla, sinabi nito na kailangan niya ng pambato sa usapin ng batas pagdating sa Senado.

Sinabi pa ni Padilla na hindi man nagtagumpay ang kanyang idolong si Panelo na makasama sa Senado, makakatrabaho pa rin naman niya ito bilang consultant.

Si Padilla ang topnotcher sa senatorial race habang bigo naman si Panelo na makapasok sa Magic 12.

Malaki naman ang pasasalamat ni Panelo kay Padilla. “Isang karangalan na patuloy na maglingkod sa bayan bilang katuwang mo na pinagkatiwalaan ng 26 milyong Pilipino!” pahayag ni Panelo. “Makaasa ka na ibubuhos ko ang aking sarili para tulungan kang isulong palitan ang Saligang Batas para wakasan na ang bulok na sistema na bumibilanggo sa ating bansa,” pahayag ni Panelo. Nagpapasalamat din si Panelo sa pangako ni Padilla na isulong ang kapakanan ng mga batang may special needs. “Marami ding salamat sa pangako mo na pagsulong sa mga panukalang batas para sa children with special needs/ disabilities. Sa wari ko ay parang nanalo na din ako!” pahayag ni Panelo.

 

TAGS: legislative consultant, news, Radyo Inquirer, robin padilla, Salvador Panelo, legislative consultant, news, Radyo Inquirer, robin padilla, Salvador Panelo

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.