Bagong rate sa kontribusyon sa Philhealth, inilabas na

By Chona Yu May 13, 2022 - 11:45 AM

Aabot na sa P400 ang buwanang kontribusyon ng mga miyembro Philhealth.

Ayon sa abiso ng Philhealth, ang P400 na buwanang kontribusyon ay para sa mga indibidwal na kumikita ng P10,000 pababa kada buwan.

Para naman sa mga kumikita ng P10,000 hanggang P80,000, nasa P400 hanggang P3,200 ang buwanang kontribusyon.

Para sa mga kumikita ng P80,000 kada buwan, magbabayad ng P3,200 na flat rate.

Paghahatian ng mga empleyado at employer ang pagbabayad sa Philhealth maliban sa mga house-helpers o mga kasambahay na babayaran ng buo ng kanilang mga employer.

Matatandaang inaprubahan ni Pangulong Rodrigo Duterte ang pagtataas ng kontribusyon ng Philhealth sa 4 percent na premium rate.

TAGS: contribution rate, increase, news, Pangulong Rodrigo Duterte, philhealth, Radyo Inquirer, contribution rate, increase, news, Pangulong Rodrigo Duterte, philhealth, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.