Ulan sa Cordillera at Cagayan dahil sa habagat

July 13, 2015 - 08:41 AM

pagasaHindi direktang maaapektuhan ng bagyong Nangka ang bansa ngunit inaasahang magdudulot ito ng pag-ulan sa ilang bahagi ng Luzon dahil sa palalakasin nito ang southwest monsoon o hanging habagat.

Ang mga inaasahang maapaketuhan ay ang rehiyon ng Cordillera at ang Lambak ng Cagayan na makakaranas ng maulap na may manaka-nakang pag-ulan na may kasamang pagkulog at pagkidlat. Inaasahan ang malakas na pag-ulan sa mga naturang rehiyon sa darating na Miyerkoles, ika-15 ng Hulyo.

Ang bagyong Nangka ay papunta na sa direksiyon ng Japan sa lakas na 185-kiloneters kada oras na may pagbugso na aabot ng hanggang 220-kilometers.

Sinundan ng bagyong Nangka ang bagyong Falcon at Egay na nagpalakas din ng hanging habagat na siyang nagpa-ulan sa malaking bahagi ng Luzon sa nakalipas na dalawang linggo./Gina Salcedo

TAGS: chan-hom, Nangka, Pagasa, Radyo Inquirer, chan-hom, Nangka, Pagasa, Radyo Inquirer

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.