Marginalized sector dehado sa paglusaw sa partylist system – Rep. Ordanes

By Jan Escosio May 13, 2022 - 09:18 AM

Tutol si Senior Citizens Partylist Representative Rodolfo Ordanes na buwagin ang partylist system sa bansa tulad ng nais ni Pangulong Duterte.

Ngunit, paglilinaw agad ni Ordanes pabor siya na masuri ang sistema at kung may magiging sapat na basehan ay magkaroon ng reporma.

Katuwiran ng mambabatas, kapag binuwag ang partylist system, madedehado ang marginalized sector ng lipunan dahil mawawalan sila ng representasyon sa Mababang Kapulungan ng Kongreso.

Dagdag pa nito, tulad ng mga nakakatandang populasyon ng bansa na siya ang kumakatawan at boses sa Kamara.

Binanggit din niya ang mga isinulong niyang panukala sa Kamara, kabilang na ang pagtatag sa National Commission of the Senior Citizens at ang P1,000 buwanang pensyon sa mga indigent senior citizens.

Kasama sa panukala na bigyan na ng buwanang pensyon ang lahat ng mga mahihirap na senior citizens at ang tanging patunay lang na kailangan ay wala silang regular na pinagkakakitaan.

Sa huling datos, tinataya na may 12 milyong senior citizens sa bansa at kalahati sa kanila ang walang pensyon.

Sinegundahan naman ni Ordanes ang paniniwala ni Pangulong Duterte na naabuso at napapagsamantalahan ang partylist system, ngunit mas matimbang aniya ang kapakanan ng mahihirap at walang kakayahan na maipahayag ang kanilang mga karaingan.

Ngayon, kabilang ang Senior Citizens Partylist sa nahalal noong nakaraang eleksyon, sinabi ni Ordanes na patunay lamang ito na may nagagawa sila sa Kamara at pinagkakatiwalaan.

Noong 2019 elections, ibinoto ang naturang partylist ng 516,927 botante at sa katatapos na eleksyon, nakapagtala na sila ng 605, 187 votes base sa partial and unofficial results.

TAGS: news, partylist, Radyo Inquirer, Rodolfo Ordanes, senior citizen, news, partylist, Radyo Inquirer, Rodolfo Ordanes, senior citizen

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.