Insidente ng karahasan sa nakalipas na halalan mababa – DILG chief

By Jan Escosio May 13, 2022 - 08:25 AM

Ibinahagi ni Interior Secretary Eduardo Año na bumaba ng husto ang bilang ng mga karahasan na may kaugnayan sa nakalipas na eleksyon.

Iniulat kay Pangulong Duterte ni Año na 16 validated election-related incidents (ERIs) lamang ang naitala kaugnay sa naganap na pambansa at lokal na halalan.

Sinabi nito na noong 2010, nakapagtala ng 166 validated ERIs at 133 naman noong 2016 elections.

Ang mga naitalang insidente ay nangyari sa Ilocos, Central Luzon, Cordillera, Zamboanga Peninsula, Northern Mindanao Regions.

Aniya noong Lunes, Mayo 9, nakapagtala ng 27 mararahas na insidente na kinabibilangan ng 11 pamamaril at pambubugbog, tatlong pagsabog, dalawang ballot snatching, apat na kaguluhan, tatlong pag-atake, dalawang pagpapaulan ng mga bata at dalawang paninira ng vote counting machines (VCMs).

Noong Miyerkules, inatasan ni Año ang pambansang pulisya na paigtingin ang pagbabantay sa canvassing areas at ipinaalala ang ‘maximum tolerance policy’ sa mga kilos protesta na may kaugnayan sa nakalipas na eleksyon.

TAGS: eduardo año, election violence, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte, eduardo año, election violence, news, Radyo Inquirer, Rodrigo Duterte

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.