Mga titser na nag-OT noong eleksyon, may dagdag-bayad – Comelec
Tiniyak ng Commission on Elections (COMELEC) na bibigyan ng dagdag-bayad ang lahat ng public school teachers na nagtrabaho ng sobra sa oras noong nakaraang araw ng botohan.
Sinabi ni Comelec spokesman John Rex Laudiangco na ang sobrang pagsisilbi ng mga guro ay maaring dahil sa mga aberya sa vote counting machines (VCMs) at SD cards at iba pang kadahilanan.
Nilinaw nito na hindi naman overtime pay ang kanilang ibibigay kundi karagdagang honoraria.
Aniya, nangyari na ito noong eleksyon noong 2019.
Nakasaad sa batas na ang bayad sa mga guro na nagsilbi sa eleksyon ay kailangan maibigay sa kanila makalipas ang 15 araw mula sa araw ng botohan.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.