DILG: Walang pulitiko, kandidato ang nagbayad ng ‘election fee’ sa NPA

PCOO photo

Iniulat ni Interior Secretary Eduardo Año sa Palasy ng Malakanyang na wala silang natanggap na ulat na may pulitiko o kandidato na nagbayad ng ‘permit to campaign fee’ sa New People’s Army (NPA) o kahit sa ibang teroristang grupo.

“Mare-report po natin Mr. President na sa mga permit to campaign na inilabas ng NPA ay wala tayong namonitor na mhga politicians na pumatol dito, nagbigay ng pera o resources sa CPP – NPA,” ang ulat ni Año kay Pangulong Duterte.

Pagtitiyak nito, kapag may mga mapapatunayan na nagbigay tulong sa mga teroristang grupo, ang mga ito ay sasampahan ng kasong paglabag sa RA 10168 o ang Terrorism Financing Prevention and Suppression Act of 2012.

Gayundin ng kasong paglabag sa Omnibus Election Cid ear Revised Penal Code.

Una nang nilinaw sa Department Memorandum Circular 2019 – 26 ang modus ng NPA ay isang uri ng pangongotong at paglabag sa karapatan na makaboto.

Read more...