Tinututukan ng PAGASA ang namataang low pressure area (LPA) sa bahagi ng Mindanao.
Ayon kay PAGASA Weather Specialist Raymond Ordinario, huling namataan ang LPA layong 175 kilometers Silangan ng Davao City.
Nakapaloob pa rin ang nasabing weather system sa Intertropical Convergence Zone (ITCZ), na nakakaapekto sa buong Mindanao.
Bunsod nito, asahan aniyang makararanas ng maulap na kalangitan na may kalat-kalat na pag-ulan, pagkidlat at pagkulog sa Zamboanga Peninsula at Caraga region.
Malabo aniyang lumakas at maging bagyo ang LPA.
Ngunit sa susunod na tatlo hanggang limang araw, sinabi ni Ordinario na wala pa ring inaasahang iba pang LPA o bagyo na papasok sa Philippine Area of Responsibility (PAR).
Samantala, sa bahagi ng Metro Manila at nalalabing parte ng bansa, magiging maaliwalas ang panahon, maliban na lamang sa mga isolated rainshowers.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.