Pagpili kay Sara Duterte bilang susunod na kalihim ng DepEd, welcome sa kagarawan
Welcome sa Department of Education (DepEd) ang pagpasok ni presumptive vice president Sara Duterte-Carpio bilang kalihim ng kagawaran.
Kasunod ito ng anunsiyo ni Presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr., Miyerkules ng gabi (Mayo 11).
“Malugod kong tinatanggap ang anunsiyo ni Presidential frontrunner Bongbong Marcos na ang papasok na Bise Presidente na si Sara Duterte ay inaasahan na maninilbihan bilang Kalihim ng Kagawaran ng Edukasyon,” pahayag ni Education Secretary Leonor Briones.
Handa aniya siya at ang buong kagawaran na magtrabaho, kasama ang kaniyang grupo, para sa maayos na transisyon ng pamumuno.
“Gagawin natin ang turnover ng Basic Education Plan 2030, na siyang kauna-unahan sa isang papatapos na administrasyon na mag-iiwan ng medium-term plan,” ani Briones.
Dagdag nito, “Kampante tayo na ang DepEd ay mapapangasiwaan ng mga mahuhusay at makakaasa sa pagpapatuloy.”
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.