Paggamit ng Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle para sa thanksgiving activity ni Robredo, hindi pinayagan

By Chona Yu May 12, 2022 - 04:40 PM

Hindi pinayagan ng lokal na pamahalaan ng Quezon City na gamitin ang Liwasang Aurora sa Quezon Memorial Circle para gawing venue ng thanksgiving activity ni Vice President Leni Robredo.

Ayon sa pahayag ng Quezon City Department of Public Order, kinausap nila ang organizer ng “Tayo ang Liwanag; Isang Pasasalamat” at ipinaliwanag na hindi maaring gamitin ang QMC.

Paliwanag ng QCDPO, dahil marami ang lalahok sa aktibidad, tiyak na magdudulot lamang ito ng matinding trapik lalo’t weekday gagawin ang naturang aktibidad.

Target ng organizer na gawin ang Thanksgiving activity sa Biyernes, Mayo 13.

Bukod sa trapik, magdudulot din ito ng pagka-stranded ng mga pasahero.

Sa halip na sa QMC, sa Ateneo de Manila University sa Loyola Heights, Quezon City na lamang gagawin ang Thanksgiving activity.

Ayon sa QCDPO, naunawaan naman ng organizer ang desisyon ng lokal na pamahalaan.

TAGS: InquirerNews, Leni Robredo, RadyoInquirerNews, ThanksgivingActivity, InquirerNews, Leni Robredo, RadyoInquirerNews, ThanksgivingActivity

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.