Tatlo hanggang limang drug lords, target patayin ni Pangulong Duterte bago bumaba sa pwesto

By Chona Yu May 12, 2022 - 02:48 PM

PCOO photo

Nasa tatlo hanggang limang drug lords pa ang target na patayin ni Pangulong Rodrigo Duterte bago tuluyang bumaba sa puwesto sa June 30, 2022.

Sa “Talk to the People,” sinabi ng Pangulo na ayaw niyang buhayin pa ang drug lords.

“Siguro bago ako mag-alis makatapos lang tayo ng mga tatlo o limang drug lords. Gusto ko patayin. Ayoko ng buhay,” pahayag ng Pangulo.

Humihirit si Pangulong Duterte sa susunod na administrasyon na ipagpatuloy ang kanyang anti-drug war campaign.

Hinimok pa ng Pangulo ang mga kapwa-manggagawa sa gobyerno na labanan ang ilegal na droga sa bansa.

Walang balak si Pangulong Duterte na humingi ng pasensya sa mga namatay sa kampanya sa ilegal na droga.

Isang giyera kasi aniya ang anti-drug war campaign.

Base sa talaan ng gobyerno, nasa 6,235 katao ang napatay sa anti-drug war campaign.

TAGS: AntiDrugWar, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, TalktothePeople, WaronDrugs, AntiDrugWar, InquirerNews, PresidentDuterte, RadyoInquirerNews, TalktothePeople, WaronDrugs

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.