Ilang bahagi ng Sorsogon dose oras na mawawalan ng kuryente bukas

By Dona Dominguez-Cargullo May 24, 2016 - 11:52 AM

brownout-0319Mawawalan ng kuryente ang ilang bahagi ng lalawigan ng Sorsogon bukas.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines (NGCP), dose oras na mawawalan ng kuryente ang mga lugar na sineserbisyuhan ng SORECO 1 at 2.

Magsisimula ang power interruption ng 6 a.m at tatagal hanggang 6 p.m.

Ayon sa NGCP, magpapalit sila ng nabubulok na mga poste ng kuryente, crossarms at insulators sa kahabaan ng Daraga-Sorsogon-Irosin line.

Samantala, makararanas din bukas ng dalawang power interruptions ang bahagi ng Eastern Visayas.

Ayon sa NGCP apektado ng dalawang beses na 45-minutes na power interruption ang mga lugar na sineserbisyuhan ng SAMELCO I San Agustin Substation.

Magaganap ang interruption sa pagitan ng 7 a.m. at 8 a.m., at 4 p.m at 5 p.m.

Ang interruption ay dahil naman sa maintenance works sa kahabaan ng 69-kilovolt Calbayog-Catbalogan line sa Gandara-Catbalogan portion./ Dona Dominguez-Cargullo

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.