Legarda, nagpasalamat sa mga tagasuporta

By Angellic Jordan May 12, 2022 - 02:18 PM

Photo credit: Rep. Loren Legarda/Facebook

Lubos ang pasasalamat ni returning senator Loren Legarda sa mga tagasuporta, lalo sa mga taga-Antique, para sa suporta sa kaniyang pagtakbo bilang senador sa 2022 National and Local Elections.

Base sa partial at unofficial result ng Commission on Elections (Comelec) transparency serve, top 2 pa rin si Legarda sa senatorial race na mayroong mahigit 21 milyong boto.

Sa inilabas na pahayag, nangako si Legarda na lalo siyang magsisikap sa trabaho at itutulak ang mga panukalang batas na magiging solusyon sa iba’t ibang problema sa bansa.

Nagpasalamat din si Legarda sa mga Antiqueños, na nagsilbi aniyang inspirasyon para sa pagbabalik sa Senado.

“Kung nagawa po nating maibangon at paunlarin ang isang probinsyang salat at matagal na napag-iwanan sa loob lamang ng tatlong taon, kayang-kaya din nating gawin ito sa ibang probinsya sa ating bansa,” saad ng mambabatas.

Dagdag nito, “All we need is the passion and perseverance to serve and provide programs that are pro-people. Elections should not just be an opportunity for us to gain fresh mandate, but also a chance for us to renew the people’s trust in our vision to improve their lives.”

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, LorenLegarda, OurVoteOurFuture, RadyoInquirerNews, #VotePH, 2022elections, 2022polls, InquirerNews, LorenLegarda, OurVoteOurFuture, RadyoInquirerNews

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.