Sinabi ni Senator Christopher Go na dahil sa COVID 19 pandemic nabunyag ang mga kakulangan sa sistemang pangkalusugan sa bansa.
Kayat diin ng senador napakahalaga na mapagtibay at mapagbuti ang kalidad ng serbisyong medikal sa Pilipinas.
“Alam naman po natin kung gaano kahalaga ang pagbibigay ng importansiya sa ating healthcare service. Lalo na po at nasa gitna tayo ng krisis, lalo pa natin napagtanto na sobrang dami pong kailangan ayusin para maging maayos ang pagbibigay ng serbisyo sa ating mga mamamayan,” sabi ng senador.
Kayat panawagan ng namumuno sa Senate Committee on Health sa mga kapwa mambabatas, suportahan ang mga panukala na layon mapagbuti ang kondisyon ng mga ospital sa bansa, maging ang mga pagpapatayo ng mga bagong pasilidad.
Naging daan si Go para sa pagpasa ng 24 batas na naging daan para sa pagpapatayo at pagsasaayos ng mga pampublikong ospital sa bansa.