Sa inilabas na pahayag ng White House, sinabi na sa pag-uusap ng dalawa, sinabi ni Biden na umaasa siya na magpapatuloy ang magandang relasyon ng dalawang bansa sa ilalim ng administrasyong-Marcos.
Kabilang sa nais ni Biden ay ang magandang kooperasyon ng Pilipinas at US sa maraming isyu kasama na ang patuloy na pagtugon sa COVID 19 pandemic, climate change, pagpapalago ng ekonomiya at pagrespeto sa mga karapatang-pantao.
Una nang sinabi ni Atty. Vic Rodriguez, tagapagsalita ni Marcos, na magiging mabuti ang relasyon ng Pilipinas at US, ngunit aniya ang relasyon ay hindi magiging ‘ekskusibo.’
“The interest of the Filipino people and the national interest comes first and it will never be compromised especially our territorial integrity,” dagdag pa ni Rodriguez.