Malaki ang indikasyon na tanging si Senator Risa Hontiveros pa lamang ang magiging tunay na oposisyon sa 19th Congress.
Sa isang panayam, ibinahagi ni Hontiveros na maghahanap siya ng makakasama sa pagbuo ng minoriya sa Senado at agad siyang makikipag-usap sa mga interesado.
Diin niya, napakalahaga na may oposisyon sa isang institusyon tulad ng Senado.
“Ako, bilang miyembro ng oposisyon, ay nakataya pa rin ako doon at pagsisikapan ko po talagang maging mabisa po kami, lalo na sa mga susunod na taon,” aniya.
Samantala, sinabi nito na wala siyang personal na nalalaman ukol sa kumakalat na balakin ni Sen. Cynthia Villar na maupo bilang susunod na Senate President.
Aniya ang paghalal ng mamumuno sa Senado ay depende naman sa mabubuong mayorya.