Sara Duterte nais magkaroon ng maraming makabayan na kabataan
Si Davao City Mayor Sara Duterte ang uupong bagong kalihim ng Department of Education (DepEd) sa pag-upo ng administrasyong-Bongbong Marcos.
Ito ang sinabi ni Marcos at aniya tinanggap naman ni Duterte ang posisyon.
“Si Inday Sara, tinanong ko siya kung kaya niya yung trabaho dahil mahirap ang trabaho ng Secretary of Education, pero nag-agree naman siya. At sa palagay ko, kasama na diyan, dahil she is a mother and she wants to make sure that her children are well-trained and well educated. That’s the best education that we can hope for,” ani Marcos.
Agad din pinasalamatan ni Duterte si Marcos sa inialok na posisyon sa kanyang bubuuin na gabinete.
Samantala, ibinahagi ni Duterte na bago ang eleksyon, ang Department of National Defense, ang kanilang napag-usapan.
Sa pamumuno naman niya sa DepEd, sinabi nito na ang kailangan ng Pilipinas ay henerasyon ng mga tunay na nagmamahal sa bansa at nagsusulong ng kapayapaan at disiplina sa komunidad.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.