School supplies na sinuri ng DTI at FDA sa Maynila, ligtas sa kemikal

By Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon May 24, 2016 - 11:44 AM

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Ligtas sa kemikal na lead ang mga school supplies na ibinebenta sa National Bookstore sa Recto Maynila at Morayta Bookstore sa Morayta, Maynila.

Sa isinagawang inspeksyon ng DTI at FDA sa mga tindahan ng gamit sa eskwela sa Maynila, maliban sa presyo ay sinuri din ang mga school supplies sa lead content.

Ayon kay Joyce Cirunay ng Food and Drug Administration, sa isinagawang pagsusuri partikular sa mga lapis na ibinebenta, hindi naman ito lumagpas sa itinakdang lead content.
Sinabi ni Cirunay na tuloy-tuloy ang pag-iikot ng FDA sa mga tindahan para masuri ang mga ibinebentang school supplies.

Payo naman ni Cirunay sa mga mamimili, tignang mabuti ang label ng produkto na dapat ay may nakasulat kung anong kumpanya ang gumawa.

Kung wala aniyang nakasulat na manufacturer sa produkto ay mabuting huwag na lamang itong bilhin./ Dona Dominguez-Cargullo, Erwin Aguilon

 

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.