560 ektaryang lupa ibinigay ng DAR sa Cagayan Valley

Umabot sa 546 agrarian reform beneficiaries (ARBs) sa Cagayan Valley ang nabiyayaan ng 560 ektaryang lupa mula sa Department of Agrarian Reform (DAR).

Bukod dito, ayon kay Sec. Bernie Cruz, mapapakinabangan ng mga magsasaka ang P33.3 milyong halaga ng mga tulay.

Ang mga nabiyayaan ng lupa ay mula sa mga bayan ng Solana, Lal-lo at Baggao.

“Marami tayong utang sa ating mga magsasaka. Sa lahat ng mga hamon ng kanilang kinaharap noong pandemya, nakapagbigay sila ng pagkain para sa bansa at ginagawa pa rin nila iyon hanggang ngayon,” sabi ni Cruz sa pamamahagi ng certificates of land ownership.

Nagkaloob din ang kagawaran ng tig-isang ektaryang lupa sa 30 agricultural graduates bilang paraan na mahikayat ang mga kabataan na kumuha ng kurso na may kinalaman sa agrikultura.

Read more...