Delivery rider tinamaan ang P33-M lotto jackpot prize

By Jan Escosio May 12, 2022 - 10:16 AM

Kombinasyon ng petsa ng mga kaarawan at edad ang naging mitsa para maging instant milyonaryo ang isang delivery rider.

Ito ang sinabi ng delivery rider sa tinayaan niyang kombinasyon na 02-05-10-30-27 sa Megalotto 6/45 draw noong nakaraang Abril 22.

Aniya paminsan-minsan lamang siyang tumaya sa lotto nang magsimula ang pandemya.

“Iniisip ko po na ito po ang kaloob ng Diyos sa akin, dahil sa nakaraang dalawang taon na nasa pandemya tayo hindi po kami tumigil sa pagta-trabaho at maghatid ng mga pagkain at parcel sa mga taong hindi makalabas ng kanilang mga tahanan,” sabi nito.

Nabatid na siya ang tanging kumikita para sa kanyang pamilya at sapat lang ang kinikita bilang delivery rider para sa pagkain nila ng kanyang asawa at dalawang anak.

Sinabi pa nito na ang premyo ay gagamitin niyang puhunan para sa pagpapatayo ng mga negosyo.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.