Europe nagbubukas ng pinto para sa mga manggagawang Filipino – DOLE

Sa pagbuti ng sitwasyon kaugnay sa COVID 19, maraming bansa sa Europe ang nagbukas ng kanilang mga pintuan para sa mga banyagang manggagawa para sa ibat-ibang industriya.

Sinabi ni Labor Attache Maria Corina Buñag karamihan sa mga bansa ay nangangailangan ng mga manggagawa sa health care sector.

“Bukod sa Milan at Northern Italy, mayroon tayong umuusbong na merkado sa paggawa sa Austria, Romania, Croatia, Hungary at Slovakia,” ayon sa opisyal.

Umaasa ang Philippine Overseas Labor Office (POLO) chief na magkakasundo ang gobyerno at Austria para sa kinakailangan na humigit-kumulang 1,000 nurses, nursing assistants at iba pang healthcare workers.

Sa Romania, may 1,500 OFWs na, ngunit kada linggo ay nadadagdagan ng 20 ang kanilang bilang at ang mga ito ay household service workers, factory worker at automotive workers.

Samantalang sa Croatia, ang kinukuhang OFWs ay para sa sektor ng turismo at service industry, gaya ng sa hotel, resort at restaurant.

Read more...