Babae sugatan, matapos masagasaan ng motorsiklo sa Maynila

Kuha ni Erwin Aguilon
Kuha ni Erwin Aguilon

Ginagamot sa Mary Chiles Hospital ang isang babaeng nabundol ng motorsiklo sa Legarda Street malapit sa Mendiola, Maynila.

Nagtamo ng sugat sa katawan ang biktimang nakilalang si Jane Mariel Castillo ng Sampaloc, Maynila.

Naaresto naman ang driver ng motorsiklo na si Nicolas Macabanti ng Tondo, Maynila.

Nabatid na tumatawid sa lugar ang biktima kasama ang kanyang kasintahan nang mabundol ng motor.

Nakatakda namang sampahan ng kaukulang kaso sa korte ang biktima./ Erwin Aguilon

 

Read more...