‘Battle of Intramuros:’ Letran Knights vs. Mapua Cardinals sa NCAA Men’s Basketball Finals

By Jan Escosio May 11, 2022 - 10:09 AM
Photo credit: NCAA Philippines/Facebook

Siniguro ng Mapua Cardinals na muli silang sasabak sa NCAA Men’s Basketball Finals.

Tinalo ng Cardinals ang San Beda Lions, 70 -67 at makakaharap naman nila ang defending champion na Letran Knights para sa korona ng NCAA Season 97.

Ibinigay nina Arvin Gamboa at Toby Angeles ang mga huling puntos para sa Cardinals.

May pagkakataon pa ang Red Lions na paabutin ang laro sa overtime ngunit hindi pumasok ang tres ni James Kwekuteye, na naging mitsa para magselebra sa gitna ng court ang Cardinals.

Magsisimula sa darating na Linggo, Mayo 15, ang unang laro sa best-of-three championship sa Filoil Flying V Centre sa San Juan City.

TAGS: InquirerNews, Letran Knights, Mapua Cardinals, NCAA, RadyoInquirerNews, San Beda Lions, InquirerNews, Letran Knights, Mapua Cardinals, NCAA, RadyoInquirerNews, San Beda Lions

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Subscribe to our daily newsletter

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and
acknowledge that I have read the Privacy Policy.