WATCH: Doc Willie Ong, tanggap na ang pagkatalo sa 2022 vice presidential race

By Angellic Jordan May 11, 2022 - 04:34 PM

Screengrab from Doc Willie Ong’s Twitter video

Tanggap na ni Doc Willie Ong ang pagkatalo sa vice presidential race ng 2022 National and Local Elections.

Sa Twitter, nag-upload ng video si Ong upang iparating ang mensahe para kina Presidential frontrunner Ferdinand “Bongbong” Marcos, Jr. at Vice Presidential candidate Sara Duterte-Carpio.

“Binabati ko po ng congratulations ang ating bagong president, President Bongbong Marcos, and Vice President Sara Duterte sa kanilang pagkapanalo ngayong eleksyon,” pahayag ni Ong.

Hiling nito na maging matagumpay ang panunungkulan sa susunod na anim na taon.

“I’m sure na alam niyo namang maraming umaasa, lalo na ‘yung mga kababayan nating naghihirap, na mas gaganda ang kanilang buhay,” ni Ong.

Dagdag nito, “Sana maging matahimik na ang ating bayan at magsama-sama na tayo at magtuloy na kung saanman tayo patungo para mas umunlad ang ating bayan.”

Narito ang buong pahayag ni Ong:

TAGS: #VotePH, 2022elections, 2022polls, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, OurVoteOurFuture, RadyoInquirerNews, SaraDuterte, WillieOng, #VotePH, 2022elections, 2022polls, Ferdinand Marcos Jr., InquirerNews, OurVoteOurFuture, RadyoInquirerNews, SaraDuterte, WillieOng

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.

Your subscription could not be saved. Please try again.
Your subscription has been successful.

Subscribe to our newsletter!

By providing an email address. I agree to the Terms of Use and acknowledge that I have read the Privacy Policy.