Pagsusuot ng face mask, maaring hindi na kailanganin kung bababa sa 200 ang naitatalang COVID cases
Maaring hindi na kailanganin ang pagsusuot ng face mask kung patuloy na bababa sa 200 ang maitatalang kaso ng COVID-19 sa Pilipinas.
“Kung talagang tuloy-tuloy na ang pagbaba ng kaso, like less than 200, most likely baka hindi na natin kailangan ang face mask,” pahayag ni Dr. Rontgene Solante, miyembro ng Vaccine Expert Panel ng Department of Science and Technology (DOST) sa Laging Handa public briefing.
Aniya, malaki ang naitutulong ng face mask sa pag-control sa nakahahawang sakit.
Ayon sa infectious disease expert, maaring mahaba-haba pa ang nararanasang sitwasyon.
Base sa COVID-19 tracker ng Department of Health (DOH), nakapagtala ng 127 na bagong kaso ng nakahahawang sakit noong Mayo 10.
Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.