Bongbong Marcos Jr., dumalaw sa puntod ng amang si Pangulong Ferdinand Marcos Sr.

By Chona Yu May 11, 2022 - 01:09 PM

BONGBONG MARCOS FACEBOOK PHOTO

Dalawang araw makalipas ang eleksyon, dinalaw ni dating Senator Bongbong Marcos Jr., ang puntod ng yumaong amang, dating Pangulong Ferdinand Marcos Sr., sa Libingan ng mga Bayani sa Taguig City.

Sa Facebook post ni Marcos, may larawan nang pag-aalay ng bulaklak ni Marcos Jr., sa puntod ng yumaong pangulo.

Nabatid na nanatili ng ilang minuto si Marcos Jr., sa harap ng puntod.

Bukod sa kanyang makasaysayang ‘landslide victory,’ gumawa din ng kasaysayan si Marcos Jr., bilang unang anak ng isang lalaki na nagsilbi din pangulo ng bansa.

Ang yumaong Pangulong Noynoy Aquino, ang unang anak ng isang pangulo ng bansa, na naging punong ehekutibo din.

TAGS:

Disclaimer: The comments uploaded on this site do not necessarily represent or reflect the views of management and owner of Cebudailynews. We reserve the right to exclude comments that we deem to be inconsistent with our editorial standards.